Merong
isang teacher na pina-drawing sa mga estudyante niya ang mga pangarap nila pag
lumaki na sila. Halos lahat sa mga estudyante ay nag-drawing ng teacher,
doctor, abogado, bumbero, at piloto. Tuwang-tuwa ang teacher habang tinitignan
ang mga gawa ng mga estudyante niya pero may isang drawing na umagaw nang
atensyon ng teacher at ito ang pinaka-kakaiba sa lahat. Isang drawing ng bukid
na may malaking bahay sa gitna at maraming hayop sa paligid. Tinawag ng teacher
ang nag-drawing nito at tinanong kung bakit ito ang drawing niya. Ang sabi ng
bata, pangarap ko po kasing magkaroon ng isang malaking-malaking bukid na
maraming hayop, ang tatay at lolo ko po kasi ay nag-tatrabaho lang sa bukid ng
ibang tao, kaya gusto ko pong magkaroon nang isang bagay na gusto rin nila pero
hindi nila naabot.
Ang
sabi ng teacher sa bata, ang sabi ko pangarap, hindi panaginip. Papano ka
magkakaroon ng isang malaking bukid, eh ang tatay mo ay magsasaka lang; ang
lolo mo magsasaka din; at ang lolo ng lolo mo ay magsasaka din. Ang pangarap ay
isang bagay na posible mong maabot, pero kung ang pangarap mo ay magkaroon ng
isang bukid, hindi yan mangyayari dahil ilang henerasyon na kayong magsasaka.
Gusto kong palitan mo ang drawing mo at gawin mong mas makatotohanan. Tingnan
mo si Juan gustong maging doctor; tignan mo si Pedro, gustong maging abogado;
at tignan mo si Maria, gustong maging teacher. Ipasa mo sa akin bukas ang
drawing mo at gusto ko ay iba na ang drawing (pangarap) mo dahil kung hindi ay
ibabagsak kita!
Malungkot
na umuwi ang bata at tinitignan ang drawing niya. Nang makita niya ang tatay
niya ay agad siyang nagsumbong dito.
Tay,
pinag-drawing kami ng teacher namin kanina ng pangarap namin pero sabi niya ay
palitan ko raw ang pangarap ko kasi magsasaka lang daw ang tatay ko at lolo ko;
pati ang lolo ng lolo ko magsasaka lang kaya hindi daw ako pwedeng magkaroon ng
pangarap ko. Bakit anak, ano ba yung pangarap mo? Gusto ko pong magkaroon ng
isang malaking bukid na maraming hayop at may malaking bahay sa gitna, pero
ayaw niyang tanggapin kasi hindi daw ito mangyayari. Kung hindi ko daw po
papalitan yung drawing (pangarap) ko ay ibabagsak niya ako.
Alam
mo anak, ang sabi ng teacher mo ay pangarap mo, hindi ang pangarap niya para
sa’yo. Kung ano ang sa tingin mo ay gusto mo at sa tingin mo ay kaya mong
gawin, ituloy mo. Tandaan mo palagi anak na hindi pwedeng ibang tao ang
magbigay sa’yo ng pangarap mo dahil bawat isa sa atin ay may sari-sariling
pag-iisip. Hindi pwedeng sabihin ng ibang tao na hindi mo magagawa ang isang
bagay; ang makakapag-sabi lang niyan ay ang sarili mo mismo.
Kung ano man ang maging desisyon mo ay ikaw ang bahala dahil wala ako sa
posisyon para idikta sa’yo ang gusto mong maging paglaki mo. Nasayo ang
desisyon kung papalitan mo ang pangarap mo o hindi dahil lang sa sinabi ng
ibang tao na hindi ito posibleng mangyari.Teacher, kung gusto mo akong ibagsak, ibagsak mo ako. Pero hinding-hindi ko isusuko ang pangarap ko para sa sarili ko dahil lang sa sinabi mong hindi ko ito magagawa.
Wag kang tumulad sa ibang bata na isinuko ang pangarap nila dahil lang sa sinabi ng ibang tao na imposible nilang matupad ang pangarap nila. Marami ang magsasabi sa’yo na mahirap ang ginagawa mo, pero kung titignan mo sila, hindi ba’t mas mahirap naman ang ginagawa nila at gagawin nila yun ang tuloy-tuloy hanggang sa tumanda na sila.
Pagpasok
pa lang ng bata ay hinanap na ng teacher yung pina-drawing niya at ibinigay
naman ito ng bata. Nang tignan ng teacher yung drawing ng bata ay lalo siyang
nagalit dahil walang nagbago sa drawing nung bata. Nandun parin yung bahay at
maraming hayop sa paligid ng bukid. Ang sabi ng teacher ng bata; Sinusubukan mo
ba talaga ako? Hindi ba’t sabi ko sa’yo ay baguhin mo yung drawing mo dahil
kung hindi ay ibabagsak kita? Gusto mo bang ibagsak na kita ngayon? Bibigyan pa
kita ng isang pagkakataon na baguhin mo ang drawing na ito, pero pag ito hindi
mo pa rin bina.... (hindi na pinatapos ng bata ang sasabihin ng teacher at
sumagot siya rito);
Makalipas
ang dalawampung taon ay may grupo ng bata na nagkaroon ng field trip sa isang
bukid. Halos karamihan sa mga bata ay tuwang-tuwa dahil sa laki ng bukid na
nakita nila. Syempre kasama nila yung teacher nila at siya yung teacher nung
bata na pinabago yung drawing dahil sa hindi daw ito posibleng mangyari.
Pagbaba nung teacher sa bus ay biglang may tumawag sa kanya… teacher! teacher!
habang patakbong lumalapit ang isang lalaki na may matikas na pangangatawan.
Teacher, natatandaan mo pa ba ako? Tinitigan lang ng teacher yung lalaki at
kinikilala kung sino ba siya. Ako yung bata noon na pinag-drawing mo ng
pangarap ko… ito yung drawing ko noon na sabi mo ay hindi mangyayari, sabay
turo sa bukid. Nang maalala ng teacher ay may biglang kumurot sa kanyang dibdib
at dahan-dahang pumatak ang luha niya. Ang sabi niya sa lalaki, alam mo, 20
years na akong nagtuturo sa mga bata at marami akong nakitang mga katulad mo na
ang drawing o pangarap nila ay mga imposible para sa akin kaya pinapabago ko sa
kanila ang mga drawing nila. Halos lahat sila ay binabago ang drawing at ikaw
lang ang nanindigan sa pangarap mo. Ang tagal ko nang nagtuturo pero marami na
pala akong mga pangarap na sinira, buti na lang at pinaglaban mo ang pangarap
mo.
Tayong
mga nasa industriya ng Networking / Affiliates ay may isang malaking pangarap
sa buhay. Ang kumita ng malaki at mabili ang mga bagay na gusto natin. Pero
hindi natin maaalis sa mga tao na agawin ang pangarap natin dahil sa tingin
nila ay hindi natin ito kaya. Halos araw-araw, may taong susubukang sirain ang
pangarap mo at sasabihan kang nananaginip lang, pero gaano ba katatag ang
paniniwala mo na magiging successful ka sa ginagawa mo? Kung ikaw mismo ay
hindi sigurado o may duda kang kikita ka ng malaki at maaabot mo ang mga
pangarap mo sa MLM, ako na mismo ang nagsasabi sa’yo na tigilan mo na ang
ginagawa mo.
Kung
sa sarili mo nga ay nagdududa ka, papano pa kaya ang ibang tao na nakapaligid
sa’yo?
Tandaan
mo palagi na mas malaki at mas mataas ang pangarap mo, mas maraming tao ang
kokontra at sisirain kung ano man ang gusto mo!
No comments:
Post a Comment