Employee vs. Tambay



Isang araw, kaka-graduate lang ni Pedro.
Sinabihan xa ng nanay niya na...

Nanay: Pedro, maghanap ka na ng trabaho ng sa ganon ay makatulong ka dito sa bahay.
Pedro: Opo inay.

Dali-daling naghanap ng trabaho c Pedro at nung binuksan niya ang diyaryo ay may nakita xang urgent hiring "business development assistant".

Nung pagkatapos niyang mag-apply, xa ay nagtatalon sa tuwa.

Pedro: (shocking!) Yes, natanggap ako.

Umuwi agad xa at sinabi niya sa kanyang inay.

Pedro: Inay! natanggap po ako.
Nanay: Ano trabaho mo anak?
Pedro: Business Development Assistant
Nanay: (tuwang-tuwang) mabuti anak, natanggap ka kaagad!

Samantalang..

Nasa opisina, biglang nalungkot si Pedro. Ang ginagawa pala ng trabaho niya ay taga tanggap ng tawag ng mga client o Receptionist.

Client: (ring)
Pedro: Hello, this is Pedro. How may I help you?
Client: Could you please direct me to your marketing dept.?
Pedro: Wait for a while please.
Pedro: (on the other line) Pablo, may client gustong kumausap sa inyo.
Pablo: Ok, transfer mo dito.
Pedro: (back to the client) Thank you for waiting, I will transfer you now to Marketing Dept., please stay on the line.

Nang makalipas ang ilang linggo, tatanggap na si Pedro ng kung tawagin natin ay "Republic Act. 1530" o sahud.

Siya ay nagulat ng makita niya sa ATM. Nasa isip niya ay, iba sa kasunduan nila nung una ng Manager.

Nagreklamo si Pedro.

Pedro: Sir, bakit po ganito? Ang kasunduan ay P7,500 kada buwan, so P3,250 a kinse. Tapos ang natanggap ko ay P2,700 lng ang kinsenas ko?
Manager: First job mo ba ito? Tignan mo yung sa Payslip mo, may nakalagay dun na mga deductions.
Pedro: (nakatungaga) ay sorry po sir.

ilang buwan ang nagdaan, naramdaman na ni Pedro ang kakulangan ng sahud niya sa araw-araw na gastusin. Dumating na sa punto na siya ay nangutang sa kanyang mga kasama sa opisina at nagtuloy-tuloy na hanggang sa parang wala na xang natatanggap na sahud kada a kinse at trenta. Kasi parang bula na lang ito dahil pagka tanggap ay bigay agad sa inutangan niya.

May Trabaho na nga, napapa-galitan ng boss, walang pera dahil pinambabayad sa mga utang, higit sa lahat ay STRESS.

Kung ikukumpara natin sa "Tambay".

Wala ngang trabaho, walang pera. Pero ang pinakamaganda ay Hindi STRESS.

Moral of the story:

"Never depend on single income, make investment to create a second source" ~ Mr. Warren Buffett

Sa panahon ngayon, kung gustong maka-ahun sa kahirapan, humanap ng EXTRA-INCOME. Kung hindi, maging tambay na lang, maganda pa ang buhay.



No comments:

Post a Comment